Alamat ng Pakwan
Noong unang panahon may isang bata na ang pangalan ay Juan. Si Juan ay ulila na at wala na s'yang mga magulang. Nakatira lamang siya sa kanyang tiyo at tiya. Si Juan ay masipag at palaging nagbanat nang buto. Malaki ang ulo ni Juan at palagi siyang tinutukso sa kanyang mga kapwa. Ang tawag sa kanya sa panunukso ay "Pak Juan"- ito ang palaging sinasabi nang nanunukso sa kanya.Hindi pa nakuntento ang mga tumutukso sa kanya. Siya ay sinaktan at binabato.Umiiyak na lang si Juan at umaalis palayo sa tumutukso at nanakit sa kanya.
Kapag ummuwi na nang bahay si Juan. Siya rin ang nagtatrabaho sa mga gawaing bahay habang ang anak nang kanyang tiyo at tiya ay walang ginagawa.Halos araw-araw na lang naranasan ni Juan ang panunukso, pananakit, at pagpapahirap sa kanya sa mga gawain.
Isang araw, hindi na matiis ni Juan ang hirap at sakit na kanyang kinikimkim. Kaya, sabi niya na mas mabuti na lang na kunin siya nang poong maykapal.Palagi niya itong sinabi at dinadasal. Kaya isang araw. biglang umuulan nang malakas na may kasamang kidlat at kulog. Biglang nawala si Juan. At paghupa nang ulan. Hinanap si Juan nang kanyang tiya at tiyo t nang ank nito. Ngunit hindi na nila ito makita. Ngunit may nakita silang may tumutubo na halaman sa kanilang hagdanan. Ang halaman ay may bunga na kahawig sa ulo ni Juan. Laking pagsisi nang kanyang tiyo at tiya at nang anak nito. Kaya bilang patawad ay inaalagaan nila ang halaman at tinatawag nila itong "Pak Juan". Sa paglipas nang maraming panahon at dekada. TInatawag na itong "PAKWAN".
Comments
Post a Comment