Alamat ng Singkamas
Maraming-maraming taon na ang nakaraan. Noon ay bago pa lamang nasasakop ng Espanya ang Kapuluan.
Isang araw ay limang sundalong Kastila ang inutusan ng isang gobernadorsilyo. “Maglibot kayo sa bayan-bayan at mga nayon. Pag-aralan ninyo ang iba’t ibang bagay,” anang punong-lalawigan.
At lumakad na nga ang limang kawal. Subalit mandi’y nawili sila sa paglalakad. Malayo ang kanilang narrating. Dakong tanghali na nang kanilang mainong sila’y nasa isang lansangang hindi nila batid kung saan patungo. Nakaramdam sila ng uhaw. Nagpahingan sila sa ilalim ng isang malaking puno ng mangga.
Ang mangga ay nasa gitna ng isang malawak na kabukiran. May natanaw silang mga magsasakang bumubunot ng kung-anong halaman. Lumapit sila. At nakita nilang ang halamang binubunot sa lupa ay may nakakabit sa puno na bilog at may puting laman.
Ang mga sundaloy humingi ng maiinom na tubig sa mga magsasaka. Gaya ng dapat asahan, hindi sila naintindihan. Walang isa man na taga nayong nakakaunawa sa sakitang Kastila. Nagtitinginan lamang ang hinihingan ng tubig na nakangiti at umiiling.
“Ano ba an ibig sabihin ng mga mapuputing taong ito?” tanong ng isa.
“Malay ko ba!” tugon ng isang kasamahan.
Isang kawal ang lumapit pa nang kaunti bago muling nangusap sa kanilang wika. Ang kahulugan ng sinabi ay ganito” “Uhaw na uhaw na kami. At nagugutom pa. Kung makahihingi niyan ay pahingin nyo kami.” Ang nagugutom pa. Kung makahihingi niyan ay pahingin nyo kami.” Ang pagsasalita niya’y sinabayan ng pangunguso at pagturo sa mga halamang hawak ng mga katutubo, o indiyo.
Hindi pa rin sila magkaunawaan.
“A, nahulaan ko na!” sa wakas ay bulalas ng isang magsasaka. “Ibig nilang humingi nito!” inabutan niya ng isang baging na may malaking laman ang kawal.
“Kinakain ba ito?” tanong ng pinag-abutang kawal sa kanilang wika.
Sa hangad palitawing naintindihan ang narinig ay tumugno ang nagbigay ay tumango ang nagbigay.
Binalatan at kinain ng sundalo ang ipinagkaloob sa kanya. “Hmmm, ang sarap!” natutuwa niyang turing.
Nagsunuran ang kanyang mga kaibigan. Samantala, napatunganga ang mga katutubo.
Pagkaubos ng kanilang kinakain ay muling humingi ang nasarapang limang kawal.
“Cinco mas!” nakangiting wika ng kawal.
“Skingkamas pala ang pangalan nito!” bulalas ng isang magsasaka.
“Cinco mas’ ngayo’y panabayan nang wika ng mga sundalo.
Nag-abot na muli ang mga taga-baryo.
“Singkamas ba ang ngalan nito?” tanong ng isang nag-aalinlangang magsasaka. At itinaas ang hawak na malaki’t bilog na laman.
“Si, cinco mas!” mabilis na tango ng katabing Kastila. Akala niyay tinatanong sila kung ibig pa.
Pagkakain ng maraming “malalaki at bilog na ugat” ay natutuwang nagpasalamat at nagpaalam ang limang kawal.
Pagkalayo ng mga puti ay sinubuk ng mga magsasakang tumikim sa halamang yaong dati’y hindi nila kinakain.
:Malamig pala!” napabiglang sambit ng isa.
“At matubig!” dugtong ng ikalawa.
“Mabuting pamawi ng uhaw!” nagsisyang bigkas ng isa pa.
Kumain sila nang kumain hanggang sa mapawi rin ang pagkauhaw nila.
Ibinalita nila sa kanilang mga kanayon ang buong pangyayari. At mula noon , ang itinawag nila sa halamang yaong may maputi, makatas, at mabilog na laman ay Singkamas – mula sa cinco mas, o lima pa nga.
Comments
Post a Comment